Friday, May 21, 2010

Mainit na Panahon!

Talaga namang napakainit ng panahon natin ngayon, kaya tuloy ang mamang ito ay napilitan ng matulog kaninang tanghali sa gilid ng Carriedo Fountain sa Santa Cruz, Maynila upang makaranas ng lamig. Sa paminsang-minsang pagtilamsik ng mga tubig sa kanyang mukha at katawan ay naremedyuhan din naman ng kaawa-awang mama ang taas ng temperatura. Tingnan nyong mabuti at tulog na tulog ang pobre (pindutin ang larawan upang palakihin). Kaya kung ako sa inyo, kung kayo ay magagawi sa Carriedo Fountain ay maaari nyo ding gawin ito upang maibsan naman ang init sa katawan at maiwasan ang heat stroke, hehe. Palagay ko'y mas mainam itong gawin kaysa gumala sa mall na bukod sa nakakapagod, ay napakamagastos pa. Dito, libre na'y ginhawa pa! Di ba, mamang tulog?

12 comments:

pusang kalye said...

hehe---libre ba? buti wala syang kakumpetensya....sa Europe mas malalaki ang mga fountains nila at nakikita ko sa tv na talagang lumulusung sila sa tubig pag me heatwave na.....bilib ka talaga sa pagiging matiisin ng Pinoy no.....pag sinabi mong 37.5 degrees dito---sabihin nila whhhat????

Marites said...

hehehehe! bat ko ba hindi ginawa ito noong napunta kami dyan noong isang buwan. ang init-init din noon kasi.

Mari said...

Buti nahiga lang siya, di naglublub sa tubig. LOL

Photo Cache said...

Ang sarap naman ng pagkakahiga nya. Tamang tama sa pagdaan mo.

Mac Callister said...

haha over sa over na yan ha!atleast creative siya

pusang kalye said...

Dennis Villegas---alo Denis--naku, mag-emo ba. me pagka-emo kapala? hehe. nikon d3000 gamit ko. entry level ng nikon dslr.

Everlito (ever) Villacruz said...

sa damuhan at ilalaim ng UST (Under the Sampalok Tree) minsan ko din sinubukan matulog. masarap na pakiramdam..:)

dodong flores said...

Ms. Mari. Minsan, may mga bata ding naliligo diyan :) Marumi pa din naman ang tubig :(

Allen said...

malinis ba tubig dyan? hahahaha.

maganda ang fountain. nakita ko yan na kinulayan ng kakaiba dati. kadiri. lol.

nice blog!

Reena said...

kung ako siya, lumublob na ako at kunwari may tumulak sa akin. hahaha...

ang init nga!

luna miranda said...

sarap nga lumublob! inggit tuloy ako sa mga kalabaw (LOL).

The Nomadic Pinoy said...

nakakatuwa naman. pero yung iba sa europe, talagang bababa pa doon sa fountain para basain ang buong katawan nila dahil sa sobrang init.