

Ito ay isang buto sa gulugod (vertebrae) ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Noong 1898, dalawang taon matapos na mailibing sa lumang sementeryo ng Paco si Rizal, ay hinukay ng kanyang mga kamag-anakan ang kanyang labi. Nilinis ang kalansay ni Rizal sa loob ng bahay ni Dona Narcisa Rizal (nakatatandang kapatid na babae ni Rizal). Nanatili ang kalansay ni Rizal sa kanilang bahay hanggang 1912, noong inilagay na ang kalansay sa ilalim ng monumento sa Luneta. Isang buto sa gulugod ni Rizal ang hindi isinama at ginawang subenir sapagkat ito ang bahaging tinamaan ng bala noong barilin si Rizal sa Bagumbayan. Hanggang ngayon ay makikita itong naka-exhibit sa Museo ng Fort Santiago.
15 comments:
medyo creepy ah! pero ngayon ko lang nalaman 'to. tsk tsk, incomplete pala ang remains ni Rizal sa Luneta.
Oo nga eh hehehe
kung hindi ako nagkakamali meron ding buto si rizal na nasa ibang bansa. Hi dennis! nagbabasa na ko ng blog mo noon pa. gulat ako nagcomment ka sa blog ko htt://eyeabs30.blogspot.com Thanks for the comment :)
salamat naman po, ma'am!
Glad you finished your work and that you blog again !!!
See you soon !
Nagulat ako sa gulugod, hehhee...
my goodness pati pa ba naman yan eh dinidisplay?
authentic kaya yan?
nice to see you back.
meron palang gulugod si Rizal sa Fort Santiago parang di ko napansin yan noong nagpunta kami doon 24 yrs ago hehehe(??) bakit sa dinami dami ng bahagi ng katawan niya, gulugod pa ang kinuha nila? anong koneksyon nito sa pagkabayani ni Rizal? hehehe nagtatanong lang po
sidney, sheng, photocache: thank you my friends! yes that's authentic according to Rizal's family
Madam Sard: Ito kasi yung tinamaan nung bala nung barilin si Rizal, kaya ito yung ginawa nilang subenir
very interesting! Would have liked to visit Fort Santiago when I went to the Phils. last summer , di bale next time nalang. Nandiyan lang naman ang 'gulugod' di ba? :) Pero, anything related to Rizal talaga , talagang interesado ako ( and most things historical ) . That is one subject sa college , Rizal's Works and Writings na talagang nakuha ko Flat 1 ang grade ( boasting.... :) Hi Dennis! Pumunta ka ba ng Calbayog for the fiesta this year? Next time you go, check out my bro's coffe shop . SO Cafe on Nijaga St.
I didn't know this - thanks for the info.
Gina: No...but I will next year ;)
BertN: You're welcome!
i wonder what rizalistas would say about preserving their "god's" vertebral bone.
pakiwari ko lumbar vertebra ito, malaki e..
marami din rizalistas sa mindanao, doon agusan banda, sa gensan, sa bansalan, sa davao, sa samal island, sa agusan del sure, tsaka isa din ako sa naniniwala na si rizal ay hindi basta hero lang, kundi isa din siyang banal na espirito dito sa pilipinas, nalulungkot lang ako sa nangyari sa maling information tungkol kay Master seth jovi rix al or sa kilalang Dr. jose rizal. dahil sa paniniwala natin sa kastila hanggang hangyon.. ako pala si onato from davao city
Post a Comment