Eskinitang madidilim. Mga paskil sa pader. Mga kaluluwang puyat. Mga aninong hapo. Mga pulubing ginawang tahanan ang bangketa. Niyuping karton upang maging higaan. Mga basura ng nagdaang maghapon. Mga ilaw na patay-sindi. Iyan ay ilan lamang sa mga tagpong maaring matunghayan sa isang hatinggabing paglalakad sa Abenida Rizal. Mga larawang nakakapukaw ng damdamin. Ang ila'y nakapagpapahungkag sa ating kamalayan. Ang iba nama'y nagbibigay ng panibagong pananaw o dili kaya'y may hatid na mensahe na maaaring mapagnilay-nilay sa mga gabing pagod at puyat sapagkat bihirang matunghayan. Kaya't minsa'y ating inililihis ang tingin o dili kaya'y nagkukunwaring walang nakita upang kahit paano'y hindi maantig ang mga gulantang na damdamin.







22 comments:
tsk.tsk.tsk.,ang linis...
Ito ang tunay na mundo na pilit tinatalikuran ng marami. Pilit isinasara ang mga mata para huwag masilayan ang tunay na kulay ng mundo. Paligid na kahit anong linis ang gawin, nasa hangin pa rin ang mga impit na hinaing galing sa maliliit na buhay na nakahimlay sa malamig na semento. Pilit isinasalba ang buhay sa kahirapan sa tulong ng isang kahig isang tuka.
Mainit,malamig,maingay,marumi,maputik mga bagay na hindi maiwasan kahit na anung gawin kaya’t hinahayaan na lamang makisalamuha sa kanilang buhay at makigulo sa kanilang sistema.
walang pakundangan na pagsamantalahan ang kanilang kamangmangan sa mundo. Mundong mapaglaro, mapaglinlang, at mapangsilaw sa mga bagay na talaga namang ginto sa kanilang paningin dahil minsanan lamang ito masilayan. Uhaw sa mga bagay na magbibgay ligaya sa buhay.
Umaga na, maginat inat at baka mahagip ng rumaragasang dyipni. Ingatan ang supling at isakay sa kariton. Magikot ikot para makahanap ng panglaman ng tiyan.
Hapon na, tambay sa kanto at baka may madilehensya para sa mga bibig na nagaabang.
Gabi na ulit, ilatag na ang karton at tahimik na ang mundong ginagalawan. Isa nanamang panaginip ang pupuntahan para makatakas sa sistemang hindi matakasan.
----pasensya ka na Dennis kung napahaba ang komento ko ^_^ actually hindi na nga comment ito nahawa ako sa isinulat mo. Nice post! Sana sundan mo agad…good job!
ram: oo nga...
eyerin: isa kang mahusay na makata..salamat sa iyong muling pagbisita
Hindi lang sa Avenida Rizal makikita ang mga "homeless", maski na dito sa "tate" marami rin, kaya lang walang mga bata. The government (local, state or federal)see to it that the young ones are taken off the streets or removed from abusive parents and cared for. When countries inhibit population growth, children are treasured like treasure.
BertN. Yan ang difference ng Pilipinas sa Tate..dito walang food stamps wala halos social services sa mga mahihirap...salamat sa pagbisitia ka Bert!
gusto ko yun first shot with those ballons ba un?hehehe
teka buti hindi nahablot yang magara mong cam!
Mac: thanks Mac..hindi naman nahablot hehehe ;)
oo totoo... parang buong maynila. :(
Dennis:
Tunay na makaantig-damdamin ang mga larawang ito na mula lamang sa paningin ng isang dalubhasa at makasining na Fotógrafo maaring isakatuparan. Mga sawimpalad na mga kabataang walang iniwan sa mga yagit sa lansangan, na ayon nga sa ating minamahal na si PSG: "...na matisod man ay hindi pakukundangan."
Sana naman'y magkaroon na ng programa ang gobiyerno na hanguin ang mga kabataang ito sa buhay na tigmak sa pagdurudusa at kawalang-pag-asa.
Oo, ang mga tagpong ito'y lalong naging makabuluhan at nakapagbigay ng pagkamulat sa puso't diwa ng sinumang tumingin sa mga larawang ito ng kalupitan ng buhay.
Parang naging bahagi na rin ako ng kapaligiran at ng mga nilalang sa mga larawang ito, na wari ba'y walang pumapansin kung ang mga nilikhang ito'y mabuhay man o mamatay.
Sana'y marami pa kaming mamalas sa mga darating na panahon mula sa iyong mga larawan, nang sa gayon ay lalong maging makabuluhan sa aming lahat ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagkalinga sa ating kapuwa-tao.
nakakaawa naman ang mga bata na nakahiga sa malamig na bangketa, teka bakit gising ka pa nang mga oras na yan?? para lang ba magkodak? hehehe hindi ba nakakatakot sa lugar na yan pag madaling araw?? galing mo talaga, talagang hinihintay mong matulog ang mga tao para makunan mo ang tunay na Avenida ;-)
Callphilippines: Thank you!
Jomarie: Tunay nga kaibigan..napakaganda at napakahusay ng iyong pananagalog. Nakakabagbag damdamin na sa loob ng maraming taong pananatili sa banyagang bansa ay tunay na hindi mo nalilimutan ang iyong lupang sinilangan. Salamat sa walang sawang pagsubaybay!
Sardonyx: Iyan na lamang ang tanging libanagan ko sa buhay madam sards, ang maglibot libot at mag-usyoso hehehe
Sardonyx: Iyan na lamang ang tanging libanagan ko sa buhay madam sards, ang maglibot libot at mag-usyoso hehehe
Great to see you back in the streets documenting life as it is. Realistic and raw!
I miss Manila already. See you soon.
Thank you Sidney..we have to shoot again sometime when you come back..take care!
Alam mo Dennis, di naman dati ganyan ang Avenida Rizal. Iyan dati ang tinaguriang "downtown" noon: bago pa umusbong ang Makati at bago pa itinayo yang LRT. Maraming sinihan diyan at talaga namang diandayo ng mga tao.
Actually, makikita ang dating sikat nito sa mga classic na videong pinoy. Halimbawa, "Old Manila" sa You tube. Gayon pa man, nakalulungkot isipin na hindi man lang maasikaso ang lugar na ito ng pamahalaang Maynila.
Kay bayaning Jose Rizal pa naman pinangalanan ito.
Kulas
Thanks Kulas for the added infos.
Napakaganda ng iyong mga imahe ng Avenida sa gabi. Sana at may magawa ang Ciudad ng Maynila upang buhayin ulit ang kagandahan ng Avenida.
Pinoy Kolektor: Thank you, sir!
aliw ako sa tugon (reply-tama po ba, sir?) mo kay sards (sardonyx)!
regarding the post, i wish we'll all wake up one day with no beggars on streets and manila will be as clean as ever.
it is sad to see that part of manila... but I still love walking through them then to escolta and binondo! =)
Post a Comment